monologue

malungkot at nakakatakot. parang gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. kaya madalas, hindi ko na lang namamalayan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. sa unan ko. sa bus habang nasa edsa. sa mall habang kumakain mag-isa.
my time will come and people will all fall in love with me
syempre mamimiss ko rin ang circa, cineastes at sfc. hindi ako nagsisisi kung binigay ko ang atensyon ko sa inyo. masaya ako sa mga taong nakilala ko sa mga organisasyong ito. salamat sa lahat ng mga alaala.
---------------------------------------
up at ang ncpag
malilimutan ko ba ito? opkorsnat. dito ako mas nahubog upang mas maging matatag na indibidwal. sa up kong mahal, salamat sa pagpapaunawa sa mga kaapihan ng lipunan. alam ko, hindi ko man naibigay ang best ko para makatulong sa mga niloloko ng lipunan, nakatulong ako kahit kaunti. salamat sa aktibismo- lubhang binago nito ang mga pananaw ko.
sa ncpag na aking kolehiyo, salamat sa pagtitiwala. marami akong natutunan upang lalong mainitindihan ang nagaganap sa loob at labas ng pulitika at burukrasya ng pilipinas. nakakasuklam lamang ang mga taong namumuno rito. paumanhin kung hindi muna ako papasok sa gobyerno. ayokong mapasailalim ng pekeng administrasyon na patuloy na nagpapahirap sa sambayanan. sa mga blockmates at batchmates, mahal ko kayo. hindi ko kayo malilimutan. sa mga pasimuno ng away dahil sa pulitika, nakakaawa kayo. gising.
sana mas maunawaan ko ang realidad ng buhay sa labas nito.
-----------------------------------------
mahaba pa ang gabi.
kapag raw inlove ka, madalas kang nakakarelate sa mga kanta. ako matagal na kong inlove pero ngayon ko lang narealize na ang dami palang bagay na kanta sa'ken. sa sitwasyon ko..at sa minamahal ko.
si hotmonay ang may kasalanan kung bakit nandito ulit ako. ang totoo, may blog na ako dati at maganda ang layuot ko dun. kinarir ko kaya 'yun. pero since di na rin ako masyado active don, dito na lang ako. mas mukhang astig dito e.