my time will come and people will all fall in love with me

Monday, August 14, 2006

monologue


ngayong mga panahon yata ang pinakakumplikadong bahagi ng aking buhay. walang katiyakan ang bawat desisyong aking binibitawan. pakiramdam ko, naliligaw ako sa napakalaking mundo na hindi alam kung saan tutungo.
malungkot at nakakatakot. parang gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. kaya madalas, hindi ko na lang namamalayan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. sa unan ko. sa bus habang nasa edsa. sa mall habang kumakain mag-isa.
sabi nila, masuwerte ang mga taong nakatapos ng pag-aaral. pero sa akin, tila ito isang sumpa. kung noon ang problema ko lang ay aking pag-aaral at mga samahan na kabilang ako, ngayon mas higit doon ang aking dilema. dati parang kay dali sabihin na yayaman ka, pero ngayon isang malaking goodluck.
ikinulong ako ng paaralan sa apat nitong sulok. akala ko sapat na ang mga ito para mahanap ko ang aking sarili. sobrang hindi pa pala. ang mundo sa labas na ito ay lubhang mapagsamantala at marahas. wala itong lugar sa mga duwag at mahina ang loob. lalo na sa mga nagpapanggap.
hindi nga mabait ang mundo. at lalong hindi ito mabait sa tulad ko.

1 Comments:

Blogger NOX said...

hey, i think it's case of alcohol deficiency in the body. tara, nomo tayo :)

11:25 PM

 

Post a Comment

<< Home