my time will come and people will all fall in love with me

Monday, August 14, 2006

monologue


ngayong mga panahon yata ang pinakakumplikadong bahagi ng aking buhay. walang katiyakan ang bawat desisyong aking binibitawan. pakiramdam ko, naliligaw ako sa napakalaking mundo na hindi alam kung saan tutungo.
malungkot at nakakatakot. parang gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. kaya madalas, hindi ko na lang namamalayan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. sa unan ko. sa bus habang nasa edsa. sa mall habang kumakain mag-isa.
sabi nila, masuwerte ang mga taong nakatapos ng pag-aaral. pero sa akin, tila ito isang sumpa. kung noon ang problema ko lang ay aking pag-aaral at mga samahan na kabilang ako, ngayon mas higit doon ang aking dilema. dati parang kay dali sabihin na yayaman ka, pero ngayon isang malaking goodluck.
ikinulong ako ng paaralan sa apat nitong sulok. akala ko sapat na ang mga ito para mahanap ko ang aking sarili. sobrang hindi pa pala. ang mundo sa labas na ito ay lubhang mapagsamantala at marahas. wala itong lugar sa mga duwag at mahina ang loob. lalo na sa mga nagpapanggap.
hindi nga mabait ang mundo. at lalong hindi ito mabait sa tulad ko.

Wednesday, April 12, 2006

something to reflect on...

dahil maundy thursday ngayon, naisip kong i-post itong religious creed na pinagawa sa amin sa sociology 125 (sociology of religion). masaya ako sa subject na ito. hehe. magaling na prof at magagaling na kaklase! ang saya di ba? eto na siya.
---------------------------------
My Religious Creed

I believe that there is God. But my concept of God is private. And so my faith. My God is a loving God. He never fails to support me even if I forget to talk to Him. He trusts me. He believes that I am a free individual and accountable to every decision that I will make. He respects my concept of happiness. He does not intervene to my affairs. Most of the time, he lets me realize my mistake but never leaves me. He is always there for me.

I believe that religion must exist to ensure the welfare of the people. It must be there to address all the problems of the people. It must not divide people.

I believe that religion must help people to grow and realize their potentials. If this will happen, I will probably enter into religion again. For me, religions around the planet today require a lot from its followers. But the requirements limit them to discover themselves. They are just becoming neurotic, as what Freud said. This should be stopped. If God gives us free will, religion must exercise it to its fullest form.

I believe that religion should welcome all kinds of love whether it is homosexual love. The power of love is unpredictable and encompassing. It recognizes every class, race and gender. Religion must understand this. Love makes the world go round.

I believe in the Liberation Theology. Religions must recognize the need for liberation from any kind of oppression- political, economic, social, sexual, racial and religious. If the system cannot address this, religion must find way to do its part. Given the power of religion, it can easily mobilize people to fight for their rights in the society. It should not be concentrated on the four walls of the church. It should be always expanding. The sufferings can be found outside of the church. Religion must extend its arms to reach it. Moreover, religion must be within the realm of sufferings to give hope to the people.

I believe in the Kingdom of God. Like the Marxist analysis that it can be found here on Earth. But I also believe in its metaphysical form. There must be the Kingdom of God to give hope to the people. That somewhere over there is a place that is fair and just. No more sufferings and hatred. No more discriminations and poverty. Only love, happiness and peace. But the metaphysical concept of Kingdom of God should not limit us to live our life to its fullest. For the living condition here is different from there.

Finally, I believe that religion does not give us everything we need. We should not be totally dependent on it. As humans, we are always in control of our actions. We should not underestimate our potential to make a difference. Religions are only guide to live a worthy life but it is not necessarily the right one. We should not be afraid to take risks for in only this action that we will realize our potential. The world is changing fast. We should not be left behind.

Serving the people is the best religion.

sari-sari muna



wow! isang taon ang lumipas at ngayon lang uli ako nakasulat sa blog kong ito.. dati kase uso lang talaga siya. pero minsan pala, malaki rin ang tulong nito para mailabas mo kung ano yung mga nais mong masabi na wala ka naman mapagsabihan.

ang totoo, ang dami na ng nangyari sa akin sa loob ng isang taon na iyon. pero hindi ko na sila iisa-isahin. gudlak naman di ba? ahehe. eto mga random thoughts ko muna so far.

----------------------------------
princess lulu

natapos na siya kanina. naiyak nga ako. hindi ko alam kung dahil ba iyon sa istorya o dahil matatapos na siya. di ko kasi siya masyado naavail dahil sa mga schoolworks at prod works. pero maganada siya talaga. nakakatuwa si lulu at marco. isama na rin yung nanay niya at si lolo (awww..) tapos ang ganda lagi magdala ng damit ni stephen na kamukha ng friend ko na si danlen. o well.

tapos na siya. nalulungkot talaga ako. nakakatawa kase yung mga hiritan dito. nakakamiss yun. ayan napansin ko ang babaw ko tuloy. buhay bum kase ako sa ngayon. pasensya na.
----------------------------------
up rep

kung mamimiss ko yung princess lulu, lalo na ito. ang dami naman pede iwan sa up bakit kailangan kasama ito. sobrang minahal ko na kasi tong org na to eh. ang dami ko natutunan dito. malaking bahagi ng pagkatao ko, natagpuan ko rito. ang galing nga eh. amazing.

pero kasabay siguro ito ng mga nakatakda pang pagbabago sa buhay ko. sabi nga nila, lahat naman ng magagandang bagay, nagtatapos din. totoo, walang fairy tale. aware naman ako dun eh. pero minsan kase masarap maniwala. sa uprep, kaya kong maging ako. walang pagpapanggap. walang limitasyon. lahat kaya kong gawin. yun yung malungkot. hindi ko alam kapag labas ko ng up, kaya ko pang gawin yun. parang mahirap.

syempre mamimiss ko rin ang circa, cineastes at sfc. hindi ako nagsisisi kung binigay ko ang atensyon ko sa inyo. masaya ako sa mga taong nakilala ko sa mga organisasyong ito. salamat sa lahat ng mga alaala.

---------------------------------------

up at ang ncpag

malilimutan ko ba ito? opkorsnat. dito ako mas nahubog upang mas maging matatag na indibidwal. sa up kong mahal, salamat sa pagpapaunawa sa mga kaapihan ng lipunan. alam ko, hindi ko man naibigay ang best ko para makatulong sa mga niloloko ng lipunan, nakatulong ako kahit kaunti. salamat sa aktibismo- lubhang binago nito ang mga pananaw ko.

sa ncpag na aking kolehiyo, salamat sa pagtitiwala. marami akong natutunan upang lalong mainitindihan ang nagaganap sa loob at labas ng pulitika at burukrasya ng pilipinas. nakakasuklam lamang ang mga taong namumuno rito. paumanhin kung hindi muna ako papasok sa gobyerno. ayokong mapasailalim ng pekeng administrasyon na patuloy na nagpapahirap sa sambayanan. sa mga blockmates at batchmates, mahal ko kayo. hindi ko kayo malilimutan. sa mga pasimuno ng away dahil sa pulitika, nakakaawa kayo. gising.

sana mas maunawaan ko ang realidad ng buhay sa labas nito.

-----------------------------------------

mahaba pa ang gabi.



Monday, April 25, 2005

LOVE song for NO ONE

kapag raw inlove ka, madalas kang nakakarelate sa mga kanta. ako matagal na kong inlove pero ngayon ko lang narealize na ang dami palang bagay na kanta sa'ken. sa sitwasyon ko..at sa minamahal ko.

eto yung pinakagrabe yung epekto saken. i heard this song matagal na pero di ko alam na the whole song almost describe my situation. suntok sa buwan ng session road. ang alam ko, madami ang may gusto dito...so does it mean na marami ang katulad ang sitwasyon ko..shit, party nga tayo minsan!

Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan

'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin

Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko'y 'di nabibitin

bakit kase ang torpe ko sayo? i've been into relationships pero ngayon ko lang uli naramdaman to. basta ang alam ko, hindi ako papayag na mawala ka sa'ken.

meron pang isang kanta. eto gusto ko talaga.
true ni ryan cabrera.

I won't talk
I won't breathe
I won't move
'Til you finally see that you belong with me..

You might think
I don't look
But deep down inside in the corner of my mind
I'm attached to you...........

I'm weak
It's true
Coz' I'm afraid I know the answer
Do you want me too?
Coz' my heart keeps falling faster

I've waited all my life
To cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try
Anything to be with you
All my life I've waited
This is true

You don't know
What you do
Every time you walk into the room
I'm afraid to move

Coz' I'm weak

It's true
I'm just scared to know the ending
Do you see me too?
Do you even know you met me?

I know when I go
I'll be on way to you
The way that's true

hay..
bakit kaya ganun?
ewan.

Sunday, January 16, 2005

si babit

si hotmonay ang may kasalanan kung bakit nandito ulit ako. ang totoo, may blog na ako dati at maganda ang layuot ko dun. kinarir ko kaya 'yun. pero since di na rin ako masyado active don, dito na lang ako. mas mukhang astig dito e.

ang panget nung title. masyadong obvious. i really never change. isa pa rin akong narcissistic. tama ba ang spelling ko? pero totoo 'yan. and i was never ashamed. i love myself so much. i will never allow somebody to hurt me.

tama ba 'yung last sentence?
parang may mali.

at gaya sa nakasulat sa totoong journal ko, the past days had caused so much pain, sadness and paranoia to me.

i always thought na i am strong. pero hindi pala. it's all in the mind. the pain penetrates every single cell in my body. how miserable. how sad.

bakit kase ang dali kong mag-fall sa isang tao?
in the end, ako naman lagi ang talo.

hay.
pero buti masaya ako ngayon. at least, nakita ko na 'yung dream person ko. tsaka acad-wise, okey ako talaga. dapat ganito ako lagi e. always in control.

'till next time.